minsan nabasa ng pamangkin kong babae ang iilang posts ko sa tumblr sa nakabukas na computer sa bahay. “cha-put”, may mga “profane” words pa naman akong ginamit dun sa iba kong mga posts. kadalasan nga ata may mga malulutong na pagmumura pa e. anyway, nothing to worry na rin, kase yung pamangkin kong yun e alam na ang kalibre ng aking dila pag nagsasalita. heheh. kaya siguro di na siya nagtanong kung ano ang ibig kong sabihin sa mga salitang nagamit ko na may double meaning. or baka naman nagmamarunong lang siya at kunwari naintindihan(gaya ng nagbabasa ngayon. joke!) ang lahat ng ibig sabihin ko sa mga sinulat ko.
pero dun ako nawindang nung tinanong niya kung baket daw di english ang mga posts ko.
“anak ng bunging kambing,” ang nausal ko.
in fairness, napitlag ang ego ko sa mga sandaling yun. sa paninging kase niya e lumulutang ako sa galing sa banyang wika na yun. at humirit pa ang lukaret kong pamangkin na yun.
“di ba uncle masscom ka, baket di ka magsulat ng english?” tanong niya.
“anak ka ng nauutot na daga!” sambit ko sarili.
kung pede lang pumatay ng pamangkin sa mga oras na yun e ginawa ko na. pero syempre kelangan ‘stay put’ lang ang composure ko. naghagilap agad ako ng mga payak na rason na ayon sa kanyang level of comprehension. baka di niya maintindihan at magtitili sa takot kung bigla na lang kong magmumura laban sa amerika at pati siya mamura ko. sa totoo lang, naging seryoso ako bigla. sinagot ko ang pamangkin ko ng seryosong tanong na para bang bida ako sa mga obra ni lino brocka at ismael bernal….
“dito ko lang naipapakita ang pagmamahal ko sa sariling bayan. kita mo naman simula lunes hanggang biyernes, nagtuturo ako ng ingles. kung magsusulat pa ako gamit ang wikang madalas kong ginagamit dahil kinakailangan sa trabaho ko e baka naman magiging tuluyan na akong magiging estranghero dito sa sarili nateng bayan? kung ikaw ang tatanungin ko, gusto mo bang magiging amerikano dito sa pilipinas gayong anak ka sa tuhod ni juan? di ko naman talaga ginusto na aralin at gamitin ang salitang banyaga. napilitan lang akong gamitin ang wikang ito dahil kelangan kong sumabay sa ritmo at dikta ng lipunan. at isa pa, nakakasawa ang eeeeeeeenglish minsan.” umiiling-iling lang ang lukaret kong pamangkin na tila ba naintindihan ang bawat salita na pilit kong hinugot at nagmula sa pinakasulok ng aking diwa. natauhan ako bigla sa isang mabigat na reyalisasyon kung payak nga ba ang pagkakabigay ko sa kanya ng mga rason at kung naaayon ba ang mga yun sa level ng kanyang comprehension. feeling ko hindi. nyahahahah.
at anak ng mahiwagang-balon-sa-masukal-na-bundok-tralala ang pamangkin kong yun! akalain mo e lagi na lang akong tinatanong kung nagpost na ba ulet ako sa tumblr. ang sagot ko na lang, “WALA AT HINDI PA, WAIT KA PAG MAY ENGLISH NA HA AT ITEXT KO SA’YO. WAG KANG MAG-EXPECT NA I-TWITTER KO DAHIL DI AKO IBON!”
pero habang sinusulat ko’to naguguluhan pa din ako. uu nga, baket nga ba hindi english? pakisagot naman in 9,999.99 words and in straight english please!